Singil sa kuryente ng MERALCO, tataas ng P0.33 per kWh ngayong December

Magpapatupad ng 33 centavos per kilowatt hour na dagdag-singil ang MERALCO ngayong buwan ng Disyembre.

Ito’y dahil natapos na ang isa sa apat na refund order ng Energy Regulatory Commission.

Ayon sa MERALCO, natapos na ang distribution-related refund na katumbas ng P0.47 per kWh sa mga residential customer.


Habang ongoing naman ang tatlong iba pang refund na P1.33 per kWh na hati-hati ang pagpapatupad.

Katumbas ang dagdag-singil ngayong Disyembre ng P66 sa mga komokunsumo ng 200 kWh at P165 sa mga kumokunsumo ng 500 kWh.

Nabatid na ito na ang ikalawang sunod na buwan na nagpatupad ng dagdag-singil sa kuryente ang MERALCO.

Facebook Comments