Naghatid ng serbisyong beterinaryo ang Lokal na Pamahalaan ng San Carlos City para sa mga livestock raisers na naapektuhan ng habagat.
Kabilang sa mga serbisyong isinagawa ang pagbibigay ng gamot, feeds, vitamin supplements at konsultasyon para sa mga alagang kambing at baka.
Pinangunahan ito ng City Veterinary Office, katuwang ang mga Veterinary Medicine students ng Virgen Milagrosa University Foundation o VMUF.
Layunin ng programa na mapangalagaan ang kalusugan ng mga alagang hayop, maprotektahan ang kabuhayan at makatulong sa patuloy na pagbangon ng mga livestock raisers.
Isinagawa ang programa sa ilalim ng Lokal na Pamahalaan ng San Carlos City bilang suporta sa mga livestock raisers na naapektuhan ng habagat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







