Pinaghahandaan na ng PNP at lokal na pamahalaan ng Manaoag, Pangasinan ang pagdagsa ng mga tao sa mga kalsada at sementeryo sa bayan sa paggunita ng Undas.
Ayon kay PMAJ Arnel R. Tamayo, Chief of Police ng PNP Manaoag, nakahanda na ang mga kapulisan at ang lokal na pamahalaan para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Kabilang sa mga nakatakdang hakbang ang pag-deploy ng mga pulis sa mga kalsada at sementeryo, kasama ang Explosive Ordnance Disposal o EOD at K9 unit.
Makikiisa rin sa pagpapanatili ng kaayusan ang mga kawani ng Barangay Babasit sa pamumuno ni Barangay Captain Salvador Soriano Jevolona.
Ayon kay Jevolona, magtatalaga sila ng mga barangay tanod sa mga kalsada upang tumulong sa pag-aayos ng daloy ng trapiko.
Samantala, pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na sumunod sa mga patakaran sa mga sementeryo upang mapanatili ang kaayusan at matiwasay na paggunita sa mga yumao. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








