Dating BFAR director, itinangging kasabwat sa agri-smuggling

Itinanggi ni dating Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Eduardo Gongona na may kinalaman siya sa agricultural smuggling sa bansa.

Ayon kay Gongona, ikinagulat niya ang pagkakasama ng kaniyang pangalan sa listahan na inilabas ng Senado.

Iginiit pa nito na ni hindi man lang siya natanong kahit isa sa pagdinig sa Senado at ang naging sentro ng isyu sa hearing ay mga produktong gulay at karne.


Dahil dito, sumulat si Gongona sa Senado para bigyang-linaw ang pagkakadawit niya at malaman kung kanino sa Department of Agriculture nanggaling ang ulat.

Handa rin siyang sampahan na lang ng kaso sa Office of the Ombudsman para maimbestigahan.

Facebook Comments