SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY, IDINEKLARA NGAYONG ARAW SA DAGUPAN CITY

12
Idineklarang special non-working holiday ang Hunyo 22 bilang pagdiriwang sa ika-75 araw ng founding anniversary ng lungsod ng Dagupan.
Sa Proclamation No. 1398 na pinirmahan ni Executive Secretary ng Pangulong Rodrigo Duterte na si Salvador Medialdea nakasaad na ang araw ng Lunes ay isang special non-working holiday sa lungsod at binibigyan ng pagkakataon ang mga Dagupeno na makiisa sa nasabing pagdiriwang.
Alinsunod ang pagdiriwang sa Republic Act 170 ni Speaker Eugenio Perez na pinirmahan ni dating Pangulong Manuel Roxas taong 1947 ika-20 ng Hunyo.

Dahil sa nasabing pagdiriwang ang out patient department ng Region 1 Medical Center at opisina ng Decorp ay sarado ngayong araw. | ifmnews
Facebook Comments