Special operations unit ng PDEG, hindi na bubuwagin

Wala nang planong buwagin ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang kontrobersyal na Special Operations Unit (SOU) ng PNP Drug Enforcement Group o PDEG.

Ayon kay Acorda, matapos sumalang sa masusing pag-aaral, hindi na bubuwagin pa ang nasabing unit ng PDEG at sa halip ay magkakaroon na lamang sila ng mas mahigpit na “vetting process” sa mga pulis na papasok sa PDEG.

Sa pamamagitan nito, matitiyak na mas kwalipikado at mas nararapat ang mapalabilang sa organisasyon na lead unit sa operasyon sa iligal na droga.


Paliwanag ni Acorda, personnel ang problema sa SOU kaya ang mga tauhan ng PDEG ang kanilang tututukan.

Facebook Comments