Wednesday, July 1, 2026

Pagtatapon ng US ng E-waste sa teritoryo ng Pilipinas, pinapaimbestigahan sa Kamara

Pinapaimbestigahan sa Kamara ni House Assistant Minority Leader at Kabataan Party-list Rep. Renee Co, ang pagtatapon ng United States sa Subic Bay Freeport Zone ng 235 container na naglalaman ng mapanganib na electronic at plastic waste.

Sa inihain House Resolution No. 1164 ay binigyang-diin ni Co ang matinding pagkadismaya dahil ginawa na nga tayong military playground at firing range ng US sa Balikatan Exercises at Tomahawk Missile Launching at ngayon ay gagawin pa tayong basurahan, tambakan ng e-waste at plastik nila.

Ayon kay Co, base sa Basel Action Network, dumating ang mga kontrabando sa bansa nuong March 2025 na naglalaman ng materyales na lead, mercury, cadmium, chromium, PCBs, beryllium at asbestos.

Giit ni Co, ang karapatan ng bawat Pilipino sa ligtas na kapaligiran at malusog na kalikasan ay hindi dapat isakripisyo para sa interes ng dayuhan.

Kasama ni Co na naghain ng resolusyon ang mga environment groups at giit nila hindi dapat payagan na tambakan ang ating kapiligaran at dumihan ang ating kinabukasan kaya lahat ng sangkot dito ay dapat managot.

Facebook Comments