Stickering campaign ng DZXL Radyo Trabaho sa pangalawang araw, naging matagumpay

Naging matagumpay ang ikalawang araw ng stickering campaign ng DZXL Radyo Trabaho sa Mandaluyong City.

Dinumog ng mga rider ang DZXL Radyo Trabaho sa isinagawang “DZXL RT Dikit Tayo Campaign” sa Acasia Lane Street Mandaluyong City, Shaw Boulevard, Aglipay Street, Bonifacio Avenue, Pioneer Street, Madison Street at Reliance Street.

Bukod sa stickers, namigay rin ang DZXL Radyo Trabaho Team ng bigas at limited merch items.


Patuloy ang paglibot ng DZXL RT team sa iba’t ibang lungsod para sa stickering campaign kaya abangan at patuloy na tumutok sa aming himpilan.

Facebook Comments