Substitute bill ni Sen. Hontiveros para sa Comprehensive Sexuality Education, katanggap-tanggap sa mga children advocates

Suportado ng grupong Child Rights Network at iba pang mga grupo ang pagtanggal sa “international standards” sa substitute Senate Bill 1979 na inihain ni Senator Risa Hontiveros.

Ayon sa grupo, kahit naniniwala silang walang mali sa paggamit ng international standards sa Comprehensive Sexuality Education (CSE) ng Pilipinas, mababawasan nito ang takot at mga maling pag-unawa sa nasabing bill.

Mahalaga anila ang CSE dahil hindi lamang ang mga batang nasa paaralan ngunit pati ang mga out-of-school-youth upang mabawasan ang teenage pregnancy sa bansa.


Makakatanggap din ng edukasyon at training ang mga magulang at magtuturo ito sa kabataan upang tiyakin ang kanilang kahandaan.

Kung hindi pa rin matanggap ng mga kritiko ang SB 1979 sa kabila ng mga pagbabago rito, kahina-hinala na anila ang kanilang sinseridad.

Nanawagan sila sa Senado at sa pangulo na suportahan ang substitute bill.

Facebook Comments