SUMABOG │ Brgy. Kagawad, patay nang maipit sa nasunog na kotse

Manila, Philippines – Patay ang isang Brgy. Kagawad makaraang hindi makalabas sa isang nasusunog na sasakyan kaninang pasado alas-kwatro ng madaling araw.

Ayon kay Pasay Traffic Investigator Frandy Laygo, binabagtas ng kulay grey na Honda civic na may plakang MHC 889 ang kahabaan ng Atang dela Rama corner Diokno blvd sa harapan lamang ng The Amazing show nang bigla itong sumabog.

Galing ang sasakyan na may 5 pasahero sa MOA at ayon sa mga pulis na nakaposte sa lugar mabilis ang takbo ng sasakyan.


Sumalpok ito sa poste ng Meralco, nag spark at duon na sumabog.

Dead on the spot si Brgy 299 Sta Cruz Mla Brgy. Kagawad Quirino Bulusan Jr. 54 na taong gulang.

Habang sugatan at nasa Pasay Gen Hospital sina:
Driver: Diophel Morales 21 y/o estudyante,
Passengers: Ricky Milan (Minor 13 y/old student)
Diovani Ibañez galos ibat-ibang katawan
Ron-Ron Cainap sa ulo tama

Nabatid na magkakamag-anak ang biktima na pare-parehong nakatira sa iisang bahay sa Sta Cruz Maynila, kung kaya’t walang ikakaso sa driver na estudyante at sasagutin na lamang nito ang pampa libing at pampa gamot sa mga biktima.

Facebook Comments