SUPORTA SA AGRIKULTURA, IGINIIT NI PBBM SA SONA 2026; PRODUKSYON, TUMATAAS SA KABILA NG HAMON SA KITA NG MGA MAGSASAKA

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong July 27 na patuloy ang suporta ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Ayon sa Pangulo, patuloy umanong tumataas ang ani ng bansa mula noong 2023, kabilang ang palay, mais, asukal, baboy, at manok.

Kabilang sa mga binanggit niyang hakbang ang pagpapalawak ng irigasyon, pagpapataas ng antas ng mekanisasyon, at pagbibigay ng makabagong teknolohiya at binhi sa mga magsasaka at mangingisda.

Iginiit din ni Marcos na bahagi ng suporta sa sektor ang pagtatayo ng 145 rice processing system, tatlong malalaking cold storage facility, at pagbibigay ng halos 4,000 makinaryang pang-agrikultura.

Dito sa Ilocos Region, ipinapakita ng datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bahagyang bumuti ang produksyon ng palay kung saan nanatiling nangungunang prodyuser ng palay sa rehiyon ang Pangasinan na nag-aambag ng halos 62 porsyento ng kabuuang ani.

Bagamat nananatiling hamon ang kita ng mga magsasaka sa kabila ng pagtaas ng produksyon, patuloy pari umanong magiging sentro ng mga programa ng pamahalaan ang pagpapataas ng produksyon, kita, at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments