LIBRENG IMPLANT CONTRACEPTIVE IWAS SA HINDI PLANADONG PAGBUBUNTIS, MULING BUBUKSAN SA MANGALDAN

Muling bubuksan ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang libreng Progestin Sub-dermal Implant (PSI) insertion at removal para sa mga residente nitong darating na July 31, 2026.

Alinsunod umano ito sa paggunita sa Family Planning Month ngayong Agosto.

Batay sa ulat, gaganapin ang libreng serbisyong medikal mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon at eksklusibo itong inilaan para sa mga residente ng bayan.

Taun-taon umanong isinasagawa ang libreng implant insertion at removal para mabigyan ng akses ang mga mamamayan sa mga serbisyong pangkalusugan, partikular sa family planning.

Ipinaliwanag din ng pamahalaang bayan na ang Progestin Sub-dermal Implant (PSI) ay isang long-term contraceptive method na nagbibigay ng proteksyon laban sa hindi planadong pagbubuntis sa loob ng hanggang tatlong taon.

Isasagawa ang programa sa koordinasyon ng LGU kasama ang United States Agency for International Development (USAID), Department of Health (DOH), Commission on Population and Development (CPD), at Pangasinan Provincial Government. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments