Suspek sa pagkamatay ng dalawang Pilipino sa Dubai, hindi pa rin tukoy ayon sa DFA

85

Iniimbestigahan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkamatay ng dalawang Pilipino sa Dubai.

Sinabi ni DFA Undersecretary for Migrant Workers (DFA-OUMWA) Eduardo de Vega na nakipag-ugnayan na sila sa mga kamag-anak ng nasawi nating kababayan.

Nagsasagawa na rin ang kanilang counterparts sa Dubai ng follow-up sa local police sa Dubai at nangakong magbibigay ng updates hinggil dito.


Sa ngayon, wala pang pagkakakilanlan sa salarin ng naturang pamamaslang.

Matatandaang iniulat na natagpuang patay ang dalawang Pinoy noong July 27 kung saan isa sa mga biktima ang nagtamo ng neck injury.

Facebook Comments