Dadalhin ng Lokal Na Pamahalaan ng Bolinao sa international stage ang turismo, kultura at mga lokal na produkto nito sa kauna-unahang paglahok sa Thailand Tourism Promotion and Trade Engagement Program 2026 na gaganapin mula Agosto 14 hanggang 16 sa Buriram, Thailand.
Itatampok sa programa ang mga natatanging destinasyon ng Bolinao, kabilang ang mga beach at waterfalls, gayundin ang mga lokal na produkto, pagkain at kulturang maipagmamalaki ng bayan.
Sa ilalim ng temang “Find the One in Ilocos and Pangasinan,” layunin ng Bolinao na maipakilala sa international market ang mga atraksyon at karanasan na maaaring tuklasin ng mga turista sa kanilang pagbisita sa bayan.
Inaasahang magbubukas ang naturang international engagement ng mga bagong oportunidad para sa turismo, kalakalan at pakikipagtulungan, habang higit pang pinalalakas ang pagkilala sa Bolinao bilang isa sa mga pangunahing destinasyon sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










