Ayon sa tourist advisory na inilabas, kahapon, Agosto 9, 2026, ipinatupad ang pagsasara ng Bolinao Falls dahil sa malakas na agos at hindi malinaw na kondisyon ng tubig, na maaaring magdulot ng panganib sa mga turista.
Samantala, pansamantala ring ipinagbabawal ang paglangoy at iba pang aktibidad sa tubig sa Bolinao Beach dahil sa nararanasang masamang panahon.
Ilang araw nang pansamantalang sarado ang mga nabanggit na pasyalan para sa seguridad at kaligtasan ng mga magbabalak dumayo.
Hinimok naman ang mga turista at publiko na makiisa sa mga ipinatutupad na safety measures at manatiling nakatutok sa mga susunod na abiso mula sa mga lokal na awtoridad.
Pinapayuhan ang publiko na iwasan muna ang mga aktibidad sa tubig hanggang sa maipahayag na ligtas nang muling gamitin ang mga naturang pasyalan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








