PISONET NA MAY CLOSURE NOTICE SA DAGUPAN, NAHULING NAG-OOPERATE; MENOR DE EDAD, NAABUTANG NAGLALARO

Nahuling nag-ooperate parin ang isang pisonet sa Barangay Malued, Dagupan City noong Agosto 9 matapos balewalain ang naunang closure notice ng lungsod.

Ito ay matapos ang verification operation ng mga tauhan ng Dagupan City Police Office (DCPO) Police Station 4 katuwang ang mga opisyal ng Barangay Malued.

Doon umano nakumpirma na patuloy na nag-ooperate ang naturang establisimyento sa kabila ng nauna nang kautusang ipasara ito.

Batay sa ulat ng pulisya, dalawang coin-operated computer units ang kinumpiska alinsunod sa City Ordinance No. 2383-2026, na nagbabawal sa ilegal na operasyon ng pisonet sa lungsod.

Natuklasan pang may isang menor de edad na naglalaro sa loob mismo ng establisimyento na agad namang ini-turn over sa barangay officials alinsunod sa child protection protocols bago muling ibalik sa mga magulang nito.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang nakumpiskang unit para sa safekeeping at kaukulang legal na disposisyon.

Dagdag ng mga awtoridad, isinagawa ang operasyon sa kabila ng malawakang pagbaha dulot ng Habagat at mataas na lebel ng tubig sa ilog. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments