APAT NA AKUSADO SA TIG-15 COUNTS NG QUALIFIED THEFT, TIMBOG SA URBIZTONDO

Sunod-sunod na naaresto ang apat na wanted persons sa loob lamang ng dalawa’t kalahating oras sa magkakahiwalay na operasyon sa Urbiztondo noong Agosto 12, 2026, pawang may kinakaharap na 15 counts ng Qualified Theft.

Batay sa ulat ng pulisya, nagsimula ang operasyon sa pagkakaaresto ng isang 27-anyos na residente ng Bayambang, Pangasinan. Makalipas ang isang oras, isa pang 25-anyos na residente ng Urbiztondo ang naaresto.

Sinundan ito ng pag-aresto sa isang 26-anyos at nahuli rin ang ikaapat na 29-anyos na suspek.

Nahaharap ang apat na suspek dahil sa 15 counts ng kasong Qualified Theft na may ₱24,000 na inirekomendang piyansa para sa bawat bilang.

Pinangunahan ng Urbiztondo MPS, PIU-Pangasinan Police Provincial Office, at RID-PRO1 ang magkakahiwalay na operasyon.

Nasa kustodiya na ng Urbiztondo MPS ang apat para sa kaukulang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments