DMW, tumutulong na rin sa pag-monitor sa mga Pilipinong posibleng naapektuhan ng lindol

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang Pilipinong naapektuhan ng malakas na lindol sa Morocco.

Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Cacdac, maliit lang kasi ang bilang ng mga Pinoy sa lugar na naapektuhan ng pagyanig.

Wala rin aniyang mga Pinoy ngayon sa Morocco ang nagpapasaklolo bagama’t may 400 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga lugar na nilindol.


Sa kabila nito, tiniyak ni Cacdac na nakatutok na ang kanilang labor attache’ doon para sa mga Pinoy na posibleng mangailangan ng tulong.

Bukod aniya sa mga mahalagang pangangailangan at handa rin ang DMW na magbigay ng tulong-pinansyal sa mga apektadong OFWs sa Morocco.

Facebook Comments