Bagamat bahagyang bumaba ang lebel ng tubig sa Sinucalan River kinaumagahan ng Agosto 18, binabantayan parin ang mga barangay na apektado ng pagbaha dito sa Sta. Barbara, lalo na sa mga biglaang pagbuhos ng ulan.
Mula 7.40 MASL noong nakaraang araw, nasa 7.30 MASL na ang lebel ng Sinucalan River noong Martes.
Sa panayam ng IFM News Dagupan, sinabi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM) Head na si Raymondo Santos na kapansin-pansin ang bahagyang pagbaba ng lebel ng tubig, partikular sa Barangay Sonquil.

SOT: Raymondo T. Santos, Sta. Barbara LDRRMO Head
Sa kabila nito, nananatiling nakaalerto ang bayan matapos ideklara ang State of Calamity, kung saan 15 hanggang 19 na barangay ang apektado at mahigit 5,000 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha.

Ayon sa MDRRMO ng Sta. Barbara, hindi pa rin dapat makampante ang mga residente dahil mabilis na tumataas ang tubig kapag muling bumubuhos ang ulan.
SOT: Raymondo T. Santos, Sta. Barbara LDRRMO Head
Kaya bagama’t bahagyang bumababa na ang Sinucalan River, patuloy pa rin ang mahigpit na pagbabantay sa mga apektadong lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments