Target ng Municipal Agriculture Office (MAO) na mabigyan ng assorted vegetable seeds ang mahigit 2,000 backyard gardeners sa 21 barangay sa unang bahagi ng Hulyo bilang bahagi ng Backyard Gardening Program ng lokal na pamahalaan ng Asingan.
Ayon kay Minerva Rosas, kasalukuyang Municipal Agriculturist, kabilang sa mga prayoridad na benepisyaryo ang mga miyembro ng 4Ps, persons with disabilities (PWDs), at iba pang residente na may bakanteng lote o espasyo para sa pagtatanim ng gulay.
Tinatayang nasa 100 backyard gardeners kada barangay ang mabibigyan ng mga binhi ng ampalaya, pipino, kangkong, pechay, sitaw, patola, upo, talong, sili, at kalabasa.
Layunin ng programa na matulungan ang mga residente na magkaroon ng sariling mapagkukunan ng gulay upang makatipid sa gastusin sa pagkain at magkaroon ng masustansyang pagkain sa hapag. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







