SUSPENDED | Budget hearings sa Kamara, sinuspinde bilang pagtutol sa ‘cash-based budgeting’

23

Manila, Philippines – Sinuspinde ng Kamara ang budget briefings nito para ihayag ang mariing pagtutol sa ‘cash-based budgeting’.

Ayon kay Davao City Rep. Karlo Nograles – ang suspensyon ng budget hearings ay resulta ng pinagsama-samang desisyon ng mababang kapulungan.

Para aniya ‘consistent’ ang posisyon ng Kamara hinggil sa isinusulong na bagong budget sceme ng Dept. of Budget and Management (DBM) para sa ₱3.757 trillion 2019 national budget.

Giit ni Nograles – gusto ng lower chamber na manatili ang ‘obligation-based’ budgeting para hindi maapektuhan ang paghahatid ng basic services.

Mananatili ang suspensyon hangga’t walang inilalabas na bagong anunsyo.

Facebook Comments