Suspendidong director general ng BuCor na si Gerald Bantag, hindi pa nakikipag-ugnayan sa PNP

Wala pang koordinasyon sa Philippine National Police (PNP) ang suspendidong director ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Gerald Bantag.

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo sa kabila ng alok ng PNP na seguridad kay Bantag.

Ayon kay Fajardo, mismong si PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang tumiyak na nakahanda silang magkaloob ng security sa suspendidong BuCor chief.


Ito’y matapos na ring ihayag ni Bantag ang pagkadismaya sa pag-alis sa kanyang security.

Kasunod nito, muling nanawagan ang PNP kay Bantag at sa iba pa na sumuko at harapin ang reklamong isinampa laban sa kanila kaugnay sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Facebook Comments