Planong pagsasailalim ng NDRRMC sa Office of the President, suportado ng liderato ng Kamara

Suportado ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang binanggit ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) na isasailalim ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa Office of the President mula sa Department of National Defense – Office of Civil Defense.

Tiwala si Romualdez na daan ito para magkaroon ng “direct hand” ang presidente sa pamamahala sa pagtugon ng gobyerno sa mga kalamidad at mga epekto o problemang dulot ng climate change.

Paliwanag ni Romualdez, gagawin din itong simple ang daloy ng responsibilidad at mga direktiba sa higit 30 departamento, ahensya at organisasyon na parte na ng NDRRMC.


Facebook Comments