Nagbabadyang tumaas ang singil ng pamasahe sa mga pampublikong jeep sa Pangasinan dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay One Pangasinan Transport Federation, President Bernard Tuliao, hindi umano maiiwasan na sila ay humingi ng taas pasahe dahil sa mga price adjustments na ipinapatupad sa petrolyo.
Umaaray na aniya ang mga tsuper at pinag-aaralan nang maghain ng petisyon upang itaas sa PHP 15 mula sa PHP 13 ang minimum fare.
Ito na ang ikatlong linggong sunod-sunod ang pagtaas ng petrolyo kung saan pumalo sa PHP 2.7 ang kada litro ng diesel.
Samantala, nauna nang nakipagpulong ang grupo sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board upang pag-usapan naman ang iba pang programa partikular sa Jeepney Modernization program. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨