TALAMAK NA ONLINE SCAMS SA REGION 1, NAITATALA NG POLICE REGIONAL OFFICE 1

Talamak ang nagaganap na online scams ngayon na naitatala ng Police Regional Office sa rehiyon.
Sa naging monitoring ng Regional Anti-Cybercrime Unit, mayroong naitatalang dalawampu o 20 na online scams buwan buwan.
Bilang nakikitang solusyon, matatandaan ang kailan lamang na binuksan ang kauna-unahang satellite office ng Anti-Cyber Crime Unit sa Region 1, ang tanggapan ng PNP Anti-Cybercrime Group – Pangasinan Provincial Cyber Response Team sa Dagupan City para sa mga magrereklamo tungkol sa mga uri ng cybercrime sa lungsod tulad na lamang ng mga nang-i-scam online.

Maaari nang magsumite ng reklamo ang mga nabibiktima ng online scamming ngayon upang maiwasan ang mga ganitong uri ng modus operandi, magtungo lamang sa Dagupan City People’s Astrodome dahil naroroon ang kanilang opisina. | ifmnews
Facebook Comments