TAMANG DATOS, MAHALAGANG BATAYAN SA PAG-UNLAD NG TURISMO AYON SA PSA

Binigyang-diin ng Philippine Statistics Authority Regional Statistical Services Office 1 o PSA-RSSO 1 ang kahalagahan ng maasahan at napapanahong datos sa pagpaplano ng turismo at kaunlaran sa Kapihan sa Ilocos ng PIA Ilocos Region noong Oktubre 5.
‎

‎Kaugnay ito ng pagdiriwang ng 37th National Statistics Month na may temang “Tuklas Pilipinas: Statistics as Beacon Towards Inclusive, Resilient, and Sustainable Tourism.”
‎

‎Ayon sa PSA, nakatutulong ang tourism statistics sa pagsukat ng ambag ng turismo sa ekonomiya at sa pagbuo ng masangkop na programa at polisiya.
‎

‎Tinalakay rin ang Labor Force Survey at Survey on Overseas Filipinos, na nagbibigay ng mahalagang datos tungkol sa trabaho at mga Pilipinong nasa ibang bansa.
‎

‎Binigyang-diin ng PSA na sa pamamagitan ng tamang paggamit ng datos, mas nagiging matibay ang batayan ng pamahalaan at mga stakeholder sa pagpaplano, pagsukat ng progreso, at pagbuo ng mga programang naglalayong makamit ang mas inklusibo, matatag at napapanatiling kaunlaran. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments