TAMANG PAGHAHANDA NG PAGKAIN, ITINURO SA HEALTH EXPERTS SA URDANETA CITY

Nagsagawa ng Food Handlers Training 2026 ang Urdaneta City Health Office noong Setyembre 4, 2026 sa lungsod para sa mga health workers.

Dumalo ang mga food handlers, health professionals, technical experts, at partner stakeholders sa aktibidad.

Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman ng mga dumalo tungkol sa tamang paghawak at paghahanda ng pagkain, at iba pang usaping pangkalusugan.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ang Proposed Calorie Disclosure Ordinance, pakikilahok ng komunidad sa kampanya ng lungsod laban sa dengue, ligtas na paghawak ng karne at meat hygiene, at Tuberculosis (TB) Awareness.

Tinalakay rin ang City Ordinance No. 81 o Behavioral Nudges in Handwashing, Occupational Health and Safety para sa food handlers, at mga proseso sa pagkuha ng Sanitary Permit.

Ayon sa ulat, target ng aktibidad na bigyan ng dagdag na kaalaman ang mga food handlers at iba pang kalahok sa mga pamantayan sa kaligtasan sa pagkain. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments