Muling inilapit ni Alaminos City Mayor Arth Bryan Celeste ang mga serbisyo ng pamahalaang lungsod sa mga komunidad sa pamamagitan ng Alaminos Barangay Caravan.

Dinala ang iba’t ibang serbisyo publiko sa mga residente ng Barangay Amangbangan, Landoc at Tawin-Tawin, upang hindi na nila kailangang pumunta pa sa city hall para sa ilang pangunahing serbisyo.

Kabilang sa mga serbisyong hatid ng caravan ang libreng medical check-up at konsultasyon, pamimigay ng mga buto ng gulay at konsultasyon sa pagsasaka, at pag-iisyu ng ID para sa Senior Citizens, PWDs at Solo Parents.

Mayroon ding anti-rabies vaccination, deworming at pagpaparehistro ng mga alagang hayop, gayundin ang libreng gupit, tulong legal at civil registry services.

Sa pamamagitan ng Barangay Caravan, layunin ng pamahalaang lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Arth Bryan Celeste na ilapit mismo sa mga barangay ang mga programa, serbisyo at tulong ng lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments