Tangkang panggugulo ng NPA sa halalan sa Albay, napigilan ng militar

178

Napigilan ng mga tropa ng 49th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army ang tangkang panggugulo sa halalan ng NPA sa Albay kahapon.

Ito ay makaraang maka-enkwentro ng tropa ang limang armadong teroristang komunista na isinumbong ng mga residente sa Sitio Lilibdon, Barangay Maogog, Jovellar, Albay, kahapon ng alas-5 ng umaga.

Walong minuto ang itinagal ng palitan ng putok at narekober ng mga rumespondeng tropa sa encounter site ang isang M16 rifle, isang Cal. 45, mga gamit pang-komunikasyon at mga personal na gamit ng kalaban.


Ayon naman kay Major General Alex Luna, Commander ng 9th Infantry (SPEAR) Division at ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB), ang matagumpay na operasyon ay resulta ng mahigpit na seguridad na ipinatupad ng gobyerno sa 2022 national and local elections.

Facebook Comments