Tarlac Rep. Carlos “Charlie” Cojuangco, pumanaw na!

171

Kinumpirma ng kapamilya ni Tarlac 1st District Rep. Carlos “Charlie” Cojuangco ang pagpanaw ng kongresista.

Mismong ang kapatid nitong si dating Congressman Mark Cojuangco at maybahay ng pumanaw na mambabatas na si China Jocson-Cojuangco ang nagbalita sa pagpanaw ng mahal nila sa buhay kaninang alas-6:00 ng umaga.

Sa social media post ni Jocson-Cojuangco ay nagpasalamat ito sa mga taong nagpaabot ng kanilang dasal at pakikiramay.


Wala namang ibang impormasyon na inilabas ang maybahay pero sa kanyang post ay isusunod na lamang niya ang ibang detalye ng burol at libing ng mister.

Nauna nang napaulat na nagkaroon ng aneurysm si Cojuangco sa gitna ng isang car racing noong Oktubre 2021.

Samantala, inaabangan din ang statement na ilalabas dito ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.



Facebook Comments