
Upang matiyak ang maayos, tapat, at ligtas na 2025 Midterm Elections, inactivate na ng 8th Infantry Division ng Philippine Army ang Task Force HOPE-Eastern Visayas.
Ayon kay Task Force HOPE-EV Commander Col. Arlino Sendaydiego, nakatuon sila sa pagsuporta sa Commission on Elections (Comelec) at iba pang ahensiya upang maiwasan ang anumang iligal na gawain at banta sa proseso ng halalan.
Tututok ang Task Force sa pagbibigay ng seguridad sa mga Communist Terrorist Group-affected areas partikular sa mga voting centers.
Makikipagtulungan din sila sa Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa matiyak ang mapayapang halalan sa Eastern Visayas.
Facebook Comments