
Dalawang lalaki ang naitalang sugatan sa nangyaring sunog sa residential area sa Caloocan City kaninang umaga.
Partikular sa may Kawal St. sa Brgy. 28 kung saan isang 49-anyos ang nagkasugat sa paa matapos mapako. Ang isa naman 46-anyos na lalaki ay nagkaroon ng sugat sa binti na kapwa nasa maayos ng kalagayan.
Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Caloocan, nagsimula ang sunog ng alas-2:31 ng madaling araw na itinaas ng ikalawang alarma dahil mabilis na kumalat ang apoy lalo na’t gawa sa mga light materials ang mga bahay.
Higit tatlong oras inapula ang apoy bago idineklarang fire out ng alas-5:40 ng umaga kung saan inaalam na ang pinagmulan ng insidente maging ang halaga ng ari-arian na natupok.
Facebook Comments