
Dumulog kanina sa National Police Commission o NAPOLCOM ang limang kaanak ng missing sabungeros upang ireklamo ang dalawang police officer mula sa Camp Krame na umano’y tumutulong upang aregluhin ang kaso ng mga pulis na sangkot sa naturang kaso.
Ayon kay Diane Loyola, kinakasama ng isa sa nawawalang sabungero, 8:00 AM noong April 22, 2026 nagkita-kita sila ng ibang kaanak ng mga sabungero sa Camp Crame para i-meet ang mga akusadong pulis na nakapiit sa custodial facility ng Philippine National Police (PNP) dahil sa kaso ng missing sabungero .
Sinundo umano sila ng pulis sa fast food chain sa harap ng Crame at nakapasok ng mabiis sa kampo.
Himinto umano sila sa isang lugar malapit sa custodial facility at sinundo ni Atty. Caroline Cruz at PLt. Nadame Malang ng PNP-Highway Patrol Group (HPG).
Pagtapos ang pagbisita sa Kampo Krame sinabihan naman umano sila ni Police Major Reynaldo Panebe na huwag na sanang makalabas itong nangyaring pagbisita nila at sana kalimutan na lang ang araw na iyon.
Kinausap kasi sila ng mga akusadong pulis para igiiit na wala silang kasalanan.
Ayon kay Loyola, mula sa bilang na 35 na conplainants, lima na lang umano silang nanatiling lumalaban.
Gumagana na kasi umano ang pera ni Atong Ang dahil marami sa mga dating lumalaban ay tumatanggap ng buwanang 40 thousand pesos at tig 20 thousand pesos sa kada mayroon silang meeting.
Nagulat naman si NAPOLCOM Chief Rafael Calinisan dahil inakala niya na tapos na ang usapin.










