
Nakatakdang maglabas ng apat na labor advisory ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga susunod na buwan kaugnay sa sitwasyon ng mga manggagawa ngayon sobrang init ng panahon.
Sa naging pahayag ni Labor Sec. Francis Tolentino, layunin nito na matiyak ang kapakanan ng mga manggagawa lalo na ang mga nabibilad sa sikat ng araw.
Kabilang sa mga manggagawa na tinukoy ng kalihim ay mga traffic enforcer, construction worker, street sweeper at iba pa na ang trabaho ay nasa field o labas ng establisyimento.
Bukod dito, ang ilalabas na labor advisory ay paraan din upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga manggagawa bunsod ng inaasahang matinding init ng panahon na nararanasan dulot ng El Niño.
Matatandaan na una ng pinaalalahanan ng DOLE ang mga employer na sundin ang mga safety protocol sa trabaho hinggil sa heat stress tulad ng sapat na bentilasyon, malinis na inuming tubig, pagbabago ng oras ng pahinga, at angkop na kasuotan.










