Tatlo, sugatan matapos araruhin ng isang 16-wheeler truck ang isang bahay sa Batasan San Mateo Road

51

Inararo ng isang 16-wheeler truck ang isang bahay sa tabi ng Batasan-San Mateo Road, Batasan Hills QC.

Ayon kay PSSgt. Lucio Caspeg ng QC Traffic Sector, pababa ng San Mateo Road ang truck na may plate #APA 5943 nang nawalan ng preno.

Tinangka pa ng driver na iiwas pero di na kinaya kung kaya’t sumampa na lang ito sa kabilang lane na nagsanhi upang sumalpok muna ito sa isang jeepney bago sinalpok ang bahay.


Wasak na wasak ang harapang bahagi ng bahay dahil halos pumasok ang unahang bahagi ng sasakyan dito.

Kabilang sa nagtamo ng sugat ay ang driver ng 16-wheeler truck na si Jonathan Puyom, ang mga pahinante na sina Robert Teves at Edison Orkana.

Nahagip din ang isang pitong taong gulang na nasa bisinidad nang mangyari ang aksidente.



Natanggal na ang 16-wheeler truck sa lugar na nagdulot ng grabeng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa magkabilang linya.

Facebook Comments