Tatlong bomber ng Abu Sayyaf Group, na-neutralize ng PNP at militar sa Zamboanga

89

Napigilan ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group at militar ang tatlong miyembro nf Abu Sayyaf sa kanilang bombing mission habang patungo ang mga ito sa Zamboanga City sakay ng isang pumpboat kahapon ng umaga.

Kinilala ni PNP Chief Police General Debold Sinas ang tatlong suspek na sina Radi Nalul Tahirin, Hasan Alimin, at Abdilla Aspalin, pawang mga miyembro ng Daulah Islamiya/ASG.

Ayon kay PNP Chief Sinas, hinarang ng tropa ang pumpboat ng mga suspek sa karagatan ng Brgy. Taluksangay sa Zamboanga City pasado alas-6:00 ng umaga kahapon kung saan nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa pagka-neutralize ng tatlong suspek.


Dalawa sa mga suspek ang isinugod sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival habang ang pangatlo ay nahulog sa karagatan at pinaghahanap pa sa kasalukuyan.

Nakuha ng tropa ng gobyerno mula sa pumpboat ang dalawang caliber .45 pistols at mga pampasabog.

Facebook Comments