Libreng tablets, ipinamahagi sa mahigit 8,000 college students sa Taguig

72

Ipinamahagi sa 8,667 na estudyante ng Taguig City University ang mga libreng tablets mula lokal sa na pamahalaan ng Taguig.

Pinangunahan nila Taguig Mayor Lino Cayetano, Cong. Lani Cayetano at Cong. Alan Peter Cayetano ang pagbibigay ng tablets sa bawat mag-aaral bilang suporta sa kanilang Sharpened Online Learning Program.


Bukod sa mga estudyante ay makakatanggap din ng free tablets ang 267 na full-time faculty members mula naman sa Sangguniang Panlungsod na pinangungunahan ni Vice Mayor Ricardo Cruz.

Inaasahan namang magsisilbing panghikayat sa mga faculty members ang tablet na gumawa at lumikha ng epektibong paraan para makapaghatid ng dekalidad na edukasyon sa pamamagitan ng online distance learning.

Ang proyektong ito ay ilan lamang sa top priorities ng lokal na pamahalaan ngayong may pandemya.

Facebook Comments