TATLONG KATAO, NAKORNER SA AKTONG PANDURUKOT NG CELLPHONE SA GITNA NG DANCEFLOOR SA SAN JUAN, LA UNION

Nakorner ng awtoridad ang tatlong katao na naaktuhan sa pandurukot ng cellphone sa bulsa ng isang lalaki na habang sumasayaw sa isang bar sa San Juan, La Union, noong madaling araw ng Sabado, May 2.

Ayon sa biktima, nilapitan siya ng tatlong suspek habang sumasayaw sa dancefloor at palihim na dinukot sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone.

Nahuli naman ng kasintahan ng biktima ang insidente, kung saan ipinasa pa umano ng lalaking suspek ang cellphone sa kanyang kasamahan bago itago sa isang bag.

Agad naman naireport sa awtoridad ang insidente dahilan upang halughugin ang bag ng mga suspek at narekober ang tinangay na cellphone.

Dinala sa kustodiya ng pulisya ang mga suspek para sa tamang disposisyon at posibleng pagsasampa ng kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments