Batay sa road advisory ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na inilabas alas-11 g umaga, kabilang sa mga apektadong lugar ang bahagi ng Urdaneta Junction–Dagupan-Lingayen Road sa Barangay Mayombo.
Kasama rin sa advisory ang bahagi ng Urdaneta Junction–Dagupan-Lingayen via Zambales Road sa Burgos Street, Barangay Poblacion.
Apektado rin ang road section sa Barangay Tapuac, na kinabibilangan ng YMCA Section.
Sa kabila ng road restriction, nananatiling passable ang mga naturang bahagi para sa heavy vehicles.
Ayon sa DPWH, patuloy na minomonitor ng kanilang personnel at maintenance crew ang mga apektadong road sections.
Hinimok ang mga motorista na maging maingat sa pagdaan at makipagtulungan sa mga awtoridad habang isinasagawa ang patuloy na monitoring sa mga kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










