Ayon sa mga awtoridad, nananatiling delikado ang sitwasyon dahil sa mataas na lebel ng tubig-baha sa lugar.
Nagbabala rin ang BDRRMC laban sa paggamit ng mga bangka, lalo na sa kasalukuyang kondisyon ng lugar, upang maiwasan ang anumang insidenteng maaaring maglagay sa panganib sa buhay ng mga residente.
Samantala, hinikayat ang mga residenteng naiwan pa sa kanilang mga tahanan at naghihintay ng rescue na manatili muna sa ligtas na lugar at hintayin ang mga rescuers.
Pinaalalahanan ang mga ito na huwag nang tangkaing magbangka o lumabas nang mag-isa dahil nagpapatuloy ang rescue operations ng mga awtoridad at response teams.
Binigyang-diin ng BDRRMC na higit na mahalaga ang kaligtasan kaysa sa mga ari-arian, dahil maaaring mapalitan ang mga gamit ngunit hindi na maibabalik ang buhay kapag may nangyaring insidente.
Patuloy naman ang panawagan ng Barangay Council at BDRRMC sa mga residente na makiisa at mahigpit na sumunod sa mga safety advisory habang nagpapatuloy ang rescue at response operations sa lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







