
Tinutunton na ngayon ng Caloocan City Police ang isang ‘tattoo artist’ na isa sa mga person of interest sa pagpatay at pag-chop-chop sa isang miyembro ng LGBTQIA+ community na natagpuan nitong Biyernes ng umaga sa Bagong Silang, Caloocan City.
Ayon kay PCapt. Nelson Dizon Assistant Chief ng Caloocan City Police Station (CCPS) Investigation and Detective Management Section (IDMS), inaalam na nila ang posibleng kinaroonan ng suspek at iba ang kasamahan nito na responsable sa pagpatay kay “Shalani”.
Lumilitaw sa imbestigasyon na Pebrero 18 nang magtungo ang biktima sa bahay ng Person of Interest (POI) upang makipag-inuman sa Phase 10 Bagong Silang kung saan ito natagpuan.
Residente ang biktima ng Phase 9.
Sinasabing ang POI ang huling nakitang kasama ng biktima.
Nadiskubre na lamang ang bangkay ng biktima dahil sa masangsang na amoy nitong Biyernes.
Inaalam pa rin ang motibo sa pamamaslang.