Tauhan ng OTS, arestado sa pagnanakaw ng cellphone sa charging station sa NAIA

Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Manila International Airport Authority Airport Police Department (MIAA-APD), Office for Transportation Security (OTS) at Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP), ang Security Screening Officer matapos nitong tangayin ang cellphone na nakasaksak sa charging station sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA-1).

Si Security Screening Officer Rudolf Aquinde ay inaresto matapos na makita sa CCTV video footage na ibinulsa nito ang mobile phone ng isang wheelchair attendant habang naka-charge sa charging station.

Nabatid na itinago pa ni Aquinde ang mobile phone sa kanyang safety vest at nang puntahan ito ng mga awtoridad ay saka lamang inilabas ang cellphone.


Agad naman itong pinuntahan ni OTS Administrator Undersecretary Ma. O Aplasca sa APD detention cell at kinompronta sa ginawang kahihiyan sa OTS sa gitna ng puspusang paglilinis sa kanilang hanay.

Facebook Comments