Isinailalim sa agarang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ilang lubak sa Rizal Avenue nitong Biyernes, Setyembre 4, matapos pansamantalang bumuti ang lagay ng panahon.
Isinagawa ang pag-aaspalto sa ilang sirang bahagi ng national highway kasunod ng pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa DPWH upang matugunan ang kondisyon ng kalsada.
Ilang araw bago ang pagkukumpuni, pansamantalang nilagyan ng buhangin at bato ang mga lubak upang maibsan ang epekto ng pagkasira ng daan na dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.
Ngayon ay pinalitan ito ng mas maayos na aspalto bilang pansamantalang hakbang habang hinihintay ang tuluyang rehabilitasyon at pagsesemento sa nasabing bahagi ng kalsada.
Samantala, patuloy ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan at DPWH para sa kinakailangang pagsasaayos ng iba pang bahagi ng national highway sa Mangaldan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







