Nagsagawa ang City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) ng buwanang ENVIROTOURo Program para sa mga mag-aaral ng Palamis Elementary School sa Alaminos City noong Setyembre 8, 2026.

Ayon sa ulat, bumisita ang mga mag-aaral sa RMATDeC, Mangrove Eco-Park, Engineered Sanitary Landfill, MVC Techno Demo Farm, at City Veterinary Office Rabbitry para ipakita ang aktuwal na pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan.

Sa RMATDeC, ipinakita sa mga mag-aaral ang mga gawain kaugnay ng pangangalaga at paggamit ng yamang-dagat.

Sa Mangrove Eco-Park naman, itinampok ang kahalagahan ng mga bakawan sa pangangalaga ng coastal environment.

Sa pamamagitan ng aktuwal na pagbisita sa mga pasilidad, nakita ng mga learner kung paano isinasalin sa aktuwal na operasyon at mga proyekto ang mga konsepto tungkol sa environmental protection na karaniwang tinatalakay sa paaralan.

Bahagi ang ENVIROTOURo ng buwanang aktibidad ng City ENRO na nagdadala sa mga mag-aaral sa iba’t ibang lugar na may kaugnayan sa pangangalaga ng kalikasan, pamamahala ng basura, agrikultura, yamang-dagat at animal production. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments