
Mahaharap sa contempt ang isang testigong hindi haharap sa impeachment trial matapos na isyuhan ng subpoena ng Senate Impeachment Court.
Ayon kay Atty. Reginald Tongol, tagapagsalita ng Impeachment Court, sakaling hindi sumunod sa subpoena ng korte ang isang testigong pinahaharap sa paglilitis, mahaharap ito sa contempt of court.
Paliwanag ni Tongol, compulsory aniya sa proseso ng korte ang pagtalima sa subpoena.
Ibig sabihin, kapag pina-subpoena ay walang karapatang tumanggi ang sinumang inobligang humarap sa paglilitis.
Gayunman, may ilang exceptions para hindi makaharap sa paglilitis kabilang dito ay kung walang kaugnayan ang magiging testimonya sa kaso, kapag pina-subpoena para ma-harass o inisin, mali ang pagkakaisyu o hindi talaga para sayo ang subpoena.
Sa susunod na linggo ay isa sa inaantabayanang haharap ay ang Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Zuleika Lopez.










