
Magpapalakas sa sektor ng enerhiya ang pagsasabatas ng Blue Economy Act upang tugunan ang pangangailangan sa enerhiya sa gitna ng labis na pagdepende sa imported fuels.
Nagpulong ang iba’t ibang grupo upang pag-usapan ang komprehensibong stratehiya para sa isang inklusibong blue economy.
Ito ay pinangunahan ng FVR Legacy Initiative at Philippine Rural Reconstruction Movement.
Ito ay may temang “The Philippine Blue Economy: Moving forward brought together key players, stakeholders and resource persons from various sectors.”
Tinalakay ng workshop ang apat na isyu ng blue economy—ang fisheries, aquaculture at marine-based na mga produkto, Energy, Maritime Transport at Coastal and Marine Tourism.
Sinabi ni Roberto de Ocampo, dating Finance chief at co-chairperson ng FVR Legacy Initiative na hinihikayat ng blue economy ang pagkakaroon ng clean energy sources mula sa dagat.
Dagdag pa niya, makakatulong ito sa mga negosyo habang pinoprotektahan ang kalikasan.
Ang nangyaring dayalogo ay suporta sa Blue Economy Act na ngayon ay nakabinbin sa Kongreso, kabilang din dito ang National WPS Day at Center for West Philippine Studies.