Isang lider ng Kamara, kumbinsidong bahagi ng paghahanda sa impeachment trial ang pag-endorso ni VP Sara sa ilang senatorial candidates

Hindi na ikinagulat ni House Deputy Majority Leader ata La Union Representative Paolo Ortega V ng La Union ang pag-endorso ni Vice President Sara Duterte sa ilang tumatakbo sa pagkasenador.

Naniniwala si Ortega na bahagi ito ng estratehiya ni VP Sara para magkaroon ng kakampi sa kanyang impeachment trial.

Ipinaalala ni Ortega na unang sinabi noon ni VP Duterte na hindi siya mag-i-endorso ng kandidato at ang biglaang pagbabago ng hakbang nito ay nagpapakita ng pagiging praktikal sa politika.

Bunsod nito ay hinikayat ni Ortega ang Senado na gawin ang impeachment trial nang patas at walang impluwensya mula sa mga pampulitikang alyansa o sa mga pahayag.

Facebook Comments