“The Bootleg Beatles” Concert 2022 sa Pilipinas, bukas na!

Ito na ang matagal niyong inaantay, mga Beatles fans!

Maki-kanta na muli sa gaganaping concert ng “The Bootleg Beatles” bukas, October 30 sa Philippine International Convention Center (PICC) Plenary Hall sa Pasay City sa ganap na alas-8:00 ng gabi.

Ito na ang ikatlong concert ng nasabing grupo sa Pilipinas matapos ang kanilang sold out tours sa bansa noong 2016 at 2018.


Muli natin mapapakinggan ang maganda at classic na boses nina Steve White bilang Paul McCartney, Stephen Hill bilang George Harrison, Tyson Kelly bilang John Lennon at Gordon Elsmore bilang Ringo Starr upang kantahin ang mga pinasikat na kanta ng rock band na “The Beatles”.

Sa pagharap ng grupo sa isang press conference sa Diamond Hotel sa Pasay City kahapon, sinabi nina Elsmore at White na masarap talaga balikan ang Pilipinas para mag-concert dahil iba yung saya at pag-welcome ng mga Pilipino.

Bisitahin na ang SM Tickets.com, TicketWorld.com.ph at www.concertrepublic.com para sa ticket reservation o kaya naman pumunta na sa outlet ng mga nasabing website.

Katuwang ng “The Bootleg Beatles” Concert 2022 ang DZXL 558 Radyo Trabaho, DWWW 774 at 93.9 IFM Manila.

Facebook Comments