TIGIL-PASADA │Mga pasahero, stranded sa Maynila

Manila, Philippines – Maraming pasahero ang stranded sa ilang lugar sa mga pangunahing lansangan sa Lungsod ng Maynila.

Ilan sa mga lugar kung saan nag-aabut-abot ang mga hindi pa nakapapasok na mga pasahero dahil sa tigil-pasada ng mga jeepney ay sa Pedro Gil, Sta. Ana, Padre Faura, San Andres patungong Guadalupe Makati.

Dahil dito, ay dagsa na ang mga stranded na pasahero sa Agoncillo St. kanto ng Pedro Gil Ermita Manila. dahil sa ang mga pampasaherong jeep ay hindi na pumasada kundi nagparking na lamang sa lugar na ito.


Mula pa kaninang alas-6:00, ayon sa mga driver, ay hindi na sila bumiyahe kung kaya maraming commuter na ang ngayon ay naglalakad.

Ayon pa sa mga tsuper ng jeep, na pawang miyembro ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON ay hindi sila manghaharang.

Samantala, sinabi ng ilang driver na maraming operator na kahit hindi kasapi ng PISTON ay tutol sa plano ng pamahalaan na phase-out sa mga lumang jeep.

Facebook Comments