TIGIL PASADA │MMDA, magbibigay ng libreng sakay

Manila, Philippines – Magbibigay ng libreng-sakay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada ngayong araw.

Ayon sa MMDA, anim na pick up points ang kanilang itinalaga, ito ay sa Commonwealth Avenue, sa Quezon City, Luneta Grandstand, Orense, Guadalupe, SM Marikina, MCU-Philippine Coast Guard, Hk Plaza Sa Pasay City.

Magdadagdag din ang ilang bus line companies’ ng kanilang units’ para maiwasang ma-stranded ang ilang commuters.


Umapela naman ang MMDA sa mga jeepney drivers na huwag pilitin ang mga drayber na hindi makiisa sa transport strike.

Facebook Comments